Lunes, Setyembre 5, 2011

dugo pa lang...

Maliban sa pulitika, kaugnay ng relihiyon ay ang moralidad na walang katapusan kung susubukang pag-usapan nino man.Bilang isang babae nalang, hindi na bilang isang anak kapatid,kaibigan o ano pa man,pag aborsyon ang pinag-uusapan bigla akong parang natitigilan at napapa-isip sa kawalan.Madalas hindi ako naaawa sa gumagawa ng ganitong bagay,galit ang unang gumagapang sakin pag nakakarinig ako ng babaeng nagpalaglag ng anak sa sariling sinapupunan,isang istupidong pamamaraan ng isang babaeng mangmang.

Salat sa kaalaman dahil sa baba ng pinag-aralan,kapusukan dala ng kabataan,hirap ng buhay, ang ilan lang sa napakaraming dahilan ng pagpapa laglag ng sanggol sa sinapupunan.Isantabi na natin ang pagsadya ng aborsyon na ang dahilan ay nasa panganib ang buhay, nasa malubha at sensitibong medikal na kondisyon ang buhay ng ina..Ngunit ang pagkitil sa buhay o paghadlang na masilayan ng isang inosenteng nilalang ang salimuot at ganda ng mundong ating ginagalawan, sa dahilan ng isang ina na sya ay hindi pa handa, sobrang pang bata, hindi  na kayang pakainin, ang hirap ng buhay,ay isang makasariling dahilan.

Nakakapanlumong marinig sa isang ina,sa isang babaeng nagdadalang tao na sabihing "dugo pa lang" makukuha pa sa tableta,makukuha pa sa catheter.Sabi nga ng CI ko nuon sa subject naming OB and Gyne, anim na linggo palang sa sinapupunan tumitibok na ang puso,nagsisimula narin mabuo ang bato at atay ng isang batang nasa sinapupunan pa lamang.Naalala ko rin yung Professor ko sa subject naming Philosophy ang sabi nya "kahit tirisin nyo ang tagyawat nyo sa ilong o maghiwa kayo sa kamay nyo, ang dugong lalabas dyan ay hindi magbibigay sa inyo ng anak, kaya ang sinasabing "dugo pa lang" ay ibang klaseng dugo yan  "dugo ng buhay,dugo ng isang pang nilalang."

Para mabuhay sa naaayon sa sariling kagustuhan,dahilan sa iniisip na ang isang "dugo pa lang" na nilalang sa kanyang sinapupunan ay magiging malaking hadlang at pabigat kung kanyang pipiliing isilang ang nasa isip ng isang babaeng mangmang."It is a poverty to decide that a child must die so that you may live as you wish" ang binigkas ng isang inang mapag-aruga, Mother Teresa. Kaya't nararapat lang purihin ang mga inang nagpatuloy sa hamon na buhayin at arugain ang kanyang sanggol, may asawa man o wala.

plastik

Sa halos mag tatatlungpung taon ko dito sa ibabaw ng ating mundo,hindi ko na mabilang kung ilang bundok ng basura ang aking nakita sa bawat lugar na aking napuntahan,tandang tanda ko pa 'yung isang malaking balita noong July 10,2000 mahigit tatlong daang katao ang nalibing sa pagguho ng tambakan ng basura sa Payatas o "Lupang Pangako",at kamakailan lang heto at sa Baguio City naman nagkaroon nanaman ng katulad na trahedya na ikinasawi ng ilan nating kababayan.

Sa panahon natin ngayon na parami na ng parami ang mga tao,napakahirap na limitahan ang pagtatapon ng basura sa araw-araw ng ating pamumuhay.Ang mga katulad ng papel,bote,bakal at plastik, ito ang mga bumubuo ng bawat tambak at bundok ng basura.May mga ilang pamayanan ang nakakasunod sa pag "recycle" ng mga ito, 'di naman sana napakahirap gawin ngunit mabibilang lang talaga ang pamilyang alam ito.

Marami akong nakikitang mga "bakal bote" na bumibili ng mga bakal,bote at piling plastik na lalagyan ng mga inumin.Narerecycle ng mga shop ng bakal bote at naipagbibiling muli ang nagiging produkto nito.Ngunit napansin ko na maraming uri ng plastik ang di naipagbibili at nagiging kalat o basura sa araw-araw. Ang mga pinagsuputan ng mga gulay,isda, karne at iba pang nabibili sa mga super market o palengke at sari-sari store sa araw-araw ng ating pamumuhay,bumili ka halimbawa ng isang tali ng sitaw,ilalagay sa sando bag na plastik, ultimo mga tinging kamatis,sili, mga ipit sa buhok,damit, inilalagay sa supot na plastik. 

Ano ba naman yung magdala ka ng lalagyang basket upang paglagyan ng iyong pinamili.Natatandaan ko pa nuon pag namamalengke ang Nanay ko may dala s'yang basket na yari sa yantok,at bayong na oo nga' t gawa din sa matigas na plastik ang materyales ng bayong nya, pero ilang buwan o taon naman ang itinatagal.Ang Daddy ko naman fishnet ang laging bitbit tuwing mamimili sa palengke.Ang magagaan na pinamili maaari din namang ilagay sa supot na papel, nuon meron yung "brown paper" na pinaglalagyan ng pandesal pag bumili ka sa mga bakery,ngayon kahit pandesal makikita mo sa mga istante sa plastik narin nilalagay.

Marahil siguro sa pag lipas ng panahon,sino ba naman ang dalaga o binata ang mapagdadala ng basket sa pamamalengke,Nuon  kapag bumili ka ng tinapa ibabalot ng tindera ang sapin ng tinapa sa gamit na dyaryo at ilalagay sa basket na dala mo.Ang mga plastik kasi mahirap malusaw kapag sinunog sa apoy may mabaho pang amoy,di tulad ng papel at mga tuyong dahon na abo lang ang iiwan.Kahit nga ilang taon na ang lumipas pag ito'y binaon sa lupa hindi ito nagbabago.Sa tambak ng basura sa lupa,sa ilog, sa mga paligi, sa mga kanal, plastik ang sangkatutak na bumubuo ng dumi ng basura.Kung malilimitahan lang sana o tuluyang maiiwasan ang paggamit ng plastik malaking bagay sana na makabawas sa bundok ng basura.