Maliban sa pulitika, kaugnay ng relihiyon ay ang moralidad na walang katapusan kung susubukang pag-usapan nino man.Bilang isang babae nalang, hindi na bilang isang anak kapatid,kaibigan o ano pa man,pag aborsyon ang pinag-uusapan bigla akong parang natitigilan at napapa-isip sa kawalan.Madalas hindi ako naaawa sa gumagawa ng ganitong bagay,galit ang unang gumagapang sakin pag nakakarinig ako ng babaeng nagpalaglag ng anak sa sariling sinapupunan,isang istupidong pamamaraan ng isang babaeng mangmang.
Salat sa kaalaman dahil sa baba ng pinag-aralan,kapusukan dala ng kabataan,hirap ng buhay, ang ilan lang sa napakaraming dahilan ng pagpapa laglag ng sanggol sa sinapupunan.Isantabi na natin ang pagsadya ng aborsyon na ang dahilan ay nasa panganib ang buhay, nasa malubha at sensitibong medikal na kondisyon ang buhay ng ina..Ngunit ang pagkitil sa buhay o paghadlang na masilayan ng isang inosenteng nilalang ang salimuot at ganda ng mundong ating ginagalawan, sa dahilan ng isang ina na sya ay hindi pa handa, sobrang pang bata, hindi na kayang pakainin, ang hirap ng buhay,ay isang makasariling dahilan.
Nakakapanlumong marinig sa isang ina,sa isang babaeng nagdadalang tao na sabihing "dugo pa lang" makukuha pa sa tableta,makukuha pa sa catheter.Sabi nga ng CI ko nuon sa subject naming OB and Gyne, anim na linggo palang sa sinapupunan tumitibok na ang puso,nagsisimula narin mabuo ang bato at atay ng isang batang nasa sinapupunan pa lamang.Naalala ko rin yung Professor ko sa subject naming Philosophy ang sabi nya "kahit tirisin nyo ang tagyawat nyo sa ilong o maghiwa kayo sa kamay nyo, ang dugong lalabas dyan ay hindi magbibigay sa inyo ng anak, kaya ang sinasabing "dugo pa lang" ay ibang klaseng dugo yan "dugo ng buhay,dugo ng isang pang nilalang."
Para mabuhay sa naaayon sa sariling kagustuhan,dahilan sa iniisip na ang isang "dugo pa lang" na nilalang sa kanyang sinapupunan ay magiging malaking hadlang at pabigat kung kanyang pipiliing isilang ang nasa isip ng isang babaeng mangmang."It is a poverty to decide that a child must die so that you may live as you wish" ang binigkas ng isang inang mapag-aruga, Mother Teresa. Kaya't nararapat lang purihin ang mga inang nagpatuloy sa hamon na buhayin at arugain ang kanyang sanggol, may asawa man o wala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento