Sa panahon natin ngayon na parami na ng parami ang mga tao,napakahirap na limitahan ang pagtatapon ng basura sa araw-araw ng ating pamumuhay.Ang mga katulad ng papel,bote,bakal at plastik, ito ang mga bumubuo ng bawat tambak at bundok ng basura.May mga ilang pamayanan ang nakakasunod sa pag "recycle" ng mga ito, 'di naman sana napakahirap gawin ngunit mabibilang lang talaga ang pamilyang alam ito.
Marami akong nakikitang mga "bakal bote" na bumibili ng mga bakal,bote at piling plastik na lalagyan ng mga inumin.Narerecycle ng mga shop ng bakal bote at naipagbibiling muli ang nagiging produkto nito.Ngunit napansin ko na maraming uri ng plastik ang di naipagbibili at nagiging kalat o basura sa araw-araw. Ang mga pinagsuputan ng mga gulay,isda, karne at iba pang nabibili sa mga super market o palengke at sari-sari store sa araw-araw ng ating pamumuhay,bumili ka halimbawa ng isang tali ng sitaw,ilalagay sa sando bag na plastik, ultimo mga tinging kamatis,sili, mga ipit sa buhok,damit, inilalagay sa supot na plastik.
Ano ba naman yung magdala ka ng lalagyang basket upang paglagyan ng iyong pinamili.Natatandaan ko pa nuon pag namamalengke ang Nanay ko may dala s'yang basket na yari sa yantok,at bayong na oo nga' t gawa din sa matigas na plastik ang materyales ng bayong nya, pero ilang buwan o taon naman ang itinatagal.Ang Daddy ko naman fishnet ang laging bitbit tuwing mamimili sa palengke.Ang magagaan na pinamili maaari din namang ilagay sa supot na papel, nuon meron yung "brown paper" na pinaglalagyan ng pandesal pag bumili ka sa mga bakery,ngayon kahit pandesal makikita mo sa mga istante sa plastik narin nilalagay.
Marahil siguro sa pag lipas ng panahon,sino ba naman ang dalaga o binata ang mapagdadala ng basket sa pamamalengke,Nuon kapag bumili ka ng tinapa ibabalot ng tindera ang sapin ng tinapa sa gamit na dyaryo at ilalagay sa basket na dala mo.Ang mga plastik kasi mahirap malusaw kapag sinunog sa apoy may mabaho pang amoy,di tulad ng papel at mga tuyong dahon na abo lang ang iiwan.Kahit nga ilang taon na ang lumipas pag ito'y binaon sa lupa hindi ito nagbabago.Sa tambak ng basura sa lupa,sa ilog, sa mga paligi, sa mga kanal, plastik ang sangkatutak na bumubuo ng dumi ng basura.Kung malilimitahan lang sana o tuluyang maiiwasan ang paggamit ng plastik malaking bagay sana na makabawas sa bundok ng basura.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento